Friday, October 21, 2011

ANG ALAMAT NI MAMANG ERMITANYO: ANG DAMING SABI-SABI



Ang sarap kumain sa shabu-shabu restaurant, luto mo kain mo. Kala ko dati puro adik kumakain dito, hindi naman pala. Eh sa sabi-sabi, nakakain ka na ba ? ah, oo naman, marami niyan. Sa parlor habang nagpapagupit, sa forest habang nakatambay, sa study hall habang naghihintay sa wala, pero pinakamarami niyan sa classroom, kada meeting pakakainin ka ng sabi-sabi.


Ayaw gumana ng computer, tumatalon ang dvd, puro gasgas ang cd, nagka-virus ang flash disk, ayaw mag-run ng program, nasira na ang lahat, malamang pati ikaw sira na rin.


Meron talagang tinatawag na methods of teaching, may process yan, hindi basta turo na lang ng turo para di ka manuno ng matanda.


Dapat konting review muna kung kinakailangan, puwede mag-recall kung hinihingi ng pagkakataon tapos konting motivation, konti lang, explain mo kung para saan at ano ang silbi ng topic nyo, kailangan ba talagang matutunan yan? Pinakamagandang halimbawa ay ang pagpapaliwanang kung ano ang silbi nito sa iyong hinaharap kung meron man.


Tapos saka mo sabakan ng lesson proper. Quiz o activity naman pagkatapos para magkaalaman kung sino ang tunay na may flying utak. Synthesis naman pagkatapos, puwede mong pasukan ng values para mas maka-appreciate ang mga batang ligaw. Puwede rin namang sabay-sabay mo itong gagawin para mas challenging, assignment ang pinakahuli. Tapos na ang meeting, kailangan pa ba ang sabi-sabi.


Makati ba labi mo? Bakit ayaw tumigil, ang daming sabi-sabi, sayang lang oras. Hindi yan kasama sa teaching methodology. Lesson ang kailangan hindi lason. Ermitanyo ka nga ba? Di bale, balang araw malalaman din nila kung ano nga ba talaga ang tunay na mas may gamit. Lesson nga ba o lason?


Marami na ang nasira dahil sa sabi-sabi, nakailang ulit ka na ba? Wala ka na bang maituro ? sabagay, magandang strategy yan lalo na kung nagpapanggap ka lang.


May sakit ka ba? Kelan ka ba gagaling? Aray. Aray. Masakit ba?


When you teach, use your heart, not your mouth!

0 comments:

Post a Comment