Friday, October 21, 2011

ANG ALAMAT NG ITLOG NA MAALAT: BAKIT KULAY PULA?



Krukya… krukya… klok… klok… klok… klok… klok…

(basahin ng pakanta sa bersyon ng mahal kita, hindi ‘to bola)

Itlog ko ‘to, itlog ko ‘to, hindi ‘to bola

Ang bola ay tumatalbog… ang itlog ay kumakalog…

(repeat ‘till you die, baby…)


Malapit na akong mag-graduate, haizt… ano kaya magiging trabaho ko? Hindi kami gaanong matuto, puro itlog grade ko. Marami naman kaming computer subjects kung tutuusin, konti nga lang ang laboratory subjects, more on lecture. Para kaming b.s.i.t. major in lecture.


Nanawa kami sa lecture kaya pala naging lecturer din ang trabaho ko. Wala namang masama, pero hindi kasi lahat ay okay magturo, andiyan si mam sungit, itlog din kasi pagdating sa lovelife kaya ganun, kunwari magagalit sa umpisa para wala ng klase, ‘yun pala hindi nakapag-prepare ng ituturo kaya magagalit na lang. hekhek!


Andiyan si boy kabute na di mo malaman kung kelan papasok, parang kabute lang. Andiyan si mam xerex, este xerox pala. Photocopy raw ang tawag dito hindi xerox, walang tatalo sa ganitong style. Easy money.


Andiyan pa ang mga style manong gang. Hmmm… bahala na kyo mag-isip dito.


Syempre, hindi mawawala si boy attendance at si labas-masok na babalikan ka na lang pagkatapos ng tatlong oras na klase.


Andiyan din ang games incorporated na parang nasa pagcor lang na palaging enjoy at walang malungkot na sandali. Siyempre kasama na rin diyan si mamang ermitanyo na may sariling kuwentong alamat.


Andiyan si boy turat, ha? Anu yun? Turat kasi kung magturo, sobrang bilis kung makaratrat sa turo. Itlog kalalabasan kapag ganito palagi.


Pagka-graduate ko, instructor o lecturer agad ang una kong trabaho, di ka pwedeng tawaging professor kapag hindi ka pa tapos ng masteral kaya ‘yung iba diyan huwag na magpanggap. Peace out!


Na-interview ako ng isang higher school official nung nag-apply ako.


You just graduated this year? Yes ma’am.


And this would be your first job in case you get hired? Yes ma’am.


So you are applying for a teaching job? Yes ma’am.

(meron nang halong pangdududa)


Do you really want to teach? Yes ma’am.

(malalim na ang iniisip)


So, you are applying for a teaching job in this university even though you don’t have any teaching or industry experience? Yes ma’am.


Adik ka ba? (ito yata ang sunod nyang gustong itanong) buti natigilan na.


Hanep! kaka-graduate lang, college agad gustong turuan. Guts daw ang tawag dun, sa tagalog, tigas ng mukha! Ang teknik, yes ma’am palagi. Gusto mo ba nang uno? Yes sir! Hmmm…


Syempre ‘pag first time mo laging may halong kaba. Ganun ka rin di ba nung first-time nyo ng ex mo? first time nyo mag-date.


Dapat huwag ka papahalata sa harap ng klase. Kunwari sampung taon ka nang nagtuturo, serious muna bago patawa, kapag walang tumawa, serious na lang ulit tapos ‘wag ka na ulit tatawa.


Papawisan ka talaga sa umpisa. Ilang minuto lang ang nakakalipas nang makaramdam ako ng hindi maganda. Ito na yata ang pinakamasaklap na pangyayari sa buhay ko. Nasa harap ako ng mga estudyanteng nakamasid sa bawat galaw ko.


Baka sabihin kinakabahan ako kaya hindi puwedeng mag-excuse para lumabas. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa habang pasimpleng ipinasok ang kanang kamay sa aking bulsa. Pilit kong inabot ang dapat abutin.


Haizt! Ayaw pa rin. Napapapikit ako sa sakit ng aking nararamdaman, malapit na akong mag-collapse, bakit naman kasi ngayon pa. Ni hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaloob-looban ko.


Ayan na! Sumalakay na naman. Pasimple ulit pero ayaw pa rin papigil, bakit parang may kumukurot sa akin? Baka naman may naipit lang kaya inayos ko ang dapat ayusin.


Kinurot ulit ako. Napapailing ako’t di maintindihan ang mukha, humihigpit ang kapit ng aking mga kamay sa hawak kong marker.


Sa wakas! natapos din ang isang oras kong klase. Deretso ako sa banyong madungis… anak ng tatlong langgam naman oh… kayo pala ang salarin. Kaya pala namumula na ang itlog sa kakakamot, di man lang kayo nagpahuli kanina. Haizt!


Aba… ang tibay ng isa, dun pa talaga sa may ulunan!


Ikaw, nakurot ka na ba? may naramdaman ka bang kirot nung malaman mo na hindi ikaw ang gusto niya? Napapikit ka ba sa sakit nung hiwalayan ka niya? Muntik ka na rin bang mag-collapse nung ipagpalit ka sa mas pangit sa’yo? Ni hindi mo alam kung ano nga ba ang nasa kaloob-looban niya, ayaw ka pang deretusihn, puro paasa na lang sa pader.


Pero anong ginawa mo nung mga panahong ito?


Hindi ba’t hinigpitan mo rin ang kapit mo?


Hindi ba't kahit masakit ay pinilit mo rin na maging manhid kahit minsan?


Hindi ba’t tiniis mo rin ang bawat kirot ng iyong nararamdaman?


Hindi ba’t kahit ilang ulit at ilang langgam pa ang kumagat sa ‘yo ay hindi ka bumitaw?


Hindi ba’t kinamot mo rin ng ilang beses mawala lang ang iyong nararamdaman?


Hindi ba’t naranasan mo na ring dumeretso sa banyo para ilabas ang nararamdaman mong ikaw lang ang nakakaalam?


Hindi ba’t kahit umabot na sa iyong ulo ang sakit ay tiniis mo pa rin ang lahat?


Hindi ba’t pagkatapos ng lahat ng ito ay nalampasan mo rin ang bawat kurot at kirot?


Hindi ba’t habang binabasa mo ito ay naaalala mo ang lahat ng naging bahagi ng iyong buhay? Lahat ng langgam na nagpakirot sa iyo at kung paano mo sila tiniris para mawala lang sa isip mo.


Hindi ba?


Hindi!… Ganun?


Baka hindi mo pa naranasang makagat ng langgam. Ang sakit kaya, try mo!


Ang lesson daw:

"Hindi lahat ng nakasimangot ay masungit, malay mo meron lang palang langgam sa singit"

0 comments:

Post a Comment