Ggrrr… ahhh… ohhh… ahhh… sarap ng feeling. Bakit kulay asul ka?
Sabi nila masarap daw magturo, medyo maalat-alat nga lang. Satisfying daw. Di baleng maliit ang sahod basta marami raw sipa sa likod. Hmmm… hindi naman lahat baliko.
Nakapagturo na ako sa kolehiyo at sa high school. Kahit saan puwede pero never akong magtuturo sa elementary, ayoko nga! ‘yun yata ang pinakamahirap, sagot mo lahat ng pwedeng mangyari sa loob ng classroom.
Naalala ko tuloy nung bagong lipat ako sa isang private school. Grade five ako nun, medyo wala pang kakilala kaya tahimik lang. Minsan nakaramdam ako ng panlalamig, namamawis at di mawari kung anung puwesto sa pag-upo ang gagawin, normal lang daw ito sa mga biokids.
Nasa kalagitnaan kami ng lesson de bola, hindi ko masabi ang nararamdaman ko, sana may facebook na dati para nai-wallpost ko man lang, katatapos lang kasi ng isang kaklase ko, baka mahirapan na naman maglinis si teacher. Haizzt…
Ayun oh… lumabas na, hanep di ko napigilan, pero okay lang, dedma pa rin, kunwari walang nangyari.
Ayun oh… may isa pa, dedma pa rin.
Ayun oh… humirit pa, dedma pa rin, last one daw. Nangangasul nako.
Ayun oh… dedma rin mga katabi ko, mukhang nag-eenjoy pa yata.
Naku! Kulay white pa naman. Nagkasinghutan na, nasaan ang kriminal? Lalo akong nangasul, Walang umaamin… kaya nga merong white lies! Puwedeng gamitin sa mga ganitong pagkakataon.
Ganunpaman, kahit anong mangyari, hindi ako pumayag na may lumawit o may tumulo man lang, masabaw-sabaw kasi eh. Pinitpit ko na lang ng todo para tumindi ang kapit, parang vulcaseal.
Sa wakas... tapos na rin ang singhutan, tapos na rin ang klase, tapos ako ngayon. Paano ako tatayo ? kailangang mag-isip ng makabagong strategy, yung pang i.t., dapat may innovation.
Lumabas na lahat sakin, lumabas na rin silang lahat. Ako na lang ang natitira, ito na ang pagkakataon, para akong si the flash na kumaripas. Deretso sa bangko, buti walang pila. Kailangan nang umaksyon sa pinakabilis na paraan. Tinanggal ko sabay pahid sa pader. Punas dito, punas doon. Magagamit ko pa ba ito ? Tinapon ko na lang.
Medyo mahirap nga lang pag-uwi kapag may aalog-alog sa ’yo. Buti natapos rin ang lahat ng pagsubok, hindi ko na pinahirapan si teacher. Nagsumikap ako sa sarili ko nang hindi humihingi ng tulong, kaya naman pala eh. Kayo… baka kaya nyo rin.
Ang mga teacher ay laging nandiyan para i-guide tayo sa mga bagay na dapat nating matutunan sa buhay pero huwag natin silang gawing tagapunas ng ating mga dumi dala ng sariling kapabayaan. Matuto tayong magsumikap para sa sarili.
Hindi lahat ng tahimik ay mahiyain at hindi lahat ng namamawis ay nag-iisip. Maraming paraan para i-solve ang ating mga problema, kailangan mo lang humanap ng tamang puwesto at posisyon, makakaraos ka rin.
Kapag di mo na kaya, Ilabas mo na ang problema mo, andiyan naman ang mga kaibigan mo para damayan ka. Tumulo man ang luha mo, ikapit mo lang ng mahigpit ang iyong mga kamay para mailabas ang lahat ng iyong nararamdaman. Huwag kang bibitaw, kaya mo ‘yan.
Pagkatapos ng lahat, itapon mo na ang marka ng iyong problema. Iwanan mo na. kahit marami pang umaalog sa’yo, okay lang, naging maluwag naman ang pakiramdam mo. Hindi lahat ng kulay asul ay malungkot, Nakaya ng iba, ibig sabihin kaya mo rin. Magtiwala ka.
1 comments:
love this :)
Post a Comment