(basahin ng pakanta sa kahit anong paraan…)
Dinota ng dinota, sige pa idota, Dinota ng dinota, sige pa idota…
Dinota nya, dinota mo, dinota ng lahat.
Ikaw, nadota ka na ba?
(stop…)
Masarap maglaro ng computer games lalo na kapag marami kayo, kaya nga ang daming adik sa dota, di baleng late o absent, di baleng huwag kumain, gagawa talaga ng paraan mapagbigyan lang ang nangangating mga kamay.
Hadouken… hadouken, shoryuken… shouryuken, ang galing ni ryu, the best ang combination ng mga sipa at suntok, nakaka-adik lalo na kung palagi kang nananalo. Masarap talaga ang pakiramdam kapag lagi mong nakukuha ang gusto mo, kung puwede nga lang sayo na ang lahat. Sino daw ba ang ayaw ng power at strength?
Nayari ka nga ba ng kapangyarihan? Ano bang meron dito? Parang magic sarap daw, ang daming benefits, palong-palo sa sarap.
Sa umpisa medyo maalat, medyo mangangasim ang mukha mo, pero habang tumatagal sumasarap na rin lalo na kapag may tindang yelo. Shooter ka ba? Nasa kulungan ba tayo? Anak naman ng gilid o, puwede naman kasi sa labas. Ayan tuloy, namumula na naman mata nyo, may sore eyes ka ba? mabuhay ang super friends.
Sabi nila pag sinapian ka ng espiritu, nawawala lahat ng senses mo. Unang mawawala ang sense of taste, kaya nga sa banding huli, ginagawa mo na lang tubig sa sarap, patol dito, patol doon, basta may butas pwede na. Kasunod nyan ang sense of hearing, wala ka ng pandinig kaya lumalakas na rin ang loob mo. Para sa iyo, ikaw ang boses ng masa.
Mawawala rin ang iyong sense of smell, wala ka ng pang-amoy na ultimo sarili mo ay di mo na alam kung gaano kabaho dahil sa mga bagay na pinaggagawa mo. Wala ka na ring sense of touch, wala ka nang pakiramdam at tila manhid sa mga nangyayari sa paligid mo, ang importante ay masaya ka lang sa ginagawa mo. Sarap na sarap ka sa pagkakaupo mo, parang wala nang tayuan. Di ka na sanay tumayo dahil wala ka na ring sense of sight, natatakot ka na baka ikaw ay tumumba dahil hindi mo na nakikita ang tamang mga daan, parang wala ka ng direksyon. Nahihilo ka na ba?
Nakapasok ka na ba sa bahay na pula? Ano ba meron dito? Tanong mo kay kagawaran, sabi nila, palagi siya rito, meron na yatang suki card, parang puregold lang. Kamusta naman ang pag-aaral mo? may quota ka ba? no problem, sagot ka niya, kita na lang kayo sa bahay na pula, dito tanggal lahat ng problema mo basta huwag ka lang maingay para walang mahuhulog.
Iba talaga kapag member ka ng super friends. Kontrolado nyo ang lahat pati kinabukasan. Hindi ka lang nakaupo, puwede ka pang humilata. Meron ding patungan kung medyo maliit ka. Iba talaga ang kapangyarihan ng halik ni hudas.
Magtiwala raw tayo sa super friends, sila raw ang kaligtasan. Ubos na nga bang mga bayani? Mga duwag na lang ba ang nalalabi? Hindi naman siguro, baka naghihintay lang ng pasko, e paano ang mga langgam? Madami sila di ba? Natatakot yata, ito lang kasi ang lungga na puwede sa kanila, paano nga naman kung paalisin sila, wala na silang malilipatan.
Magpapa-apak ka na lang ba? Huli na nga ba ang lahat? Baka gusto mong tumayo? Bawal-bawal ka diyan, eh so what kung tatayo kayo, sama-sama naman, so pwede pa rin kayong makatulong, ang sarap kaya, try mo!
Courtesy of: Wolfgang, lyrics from the song « halik ni hudas »
Mga asong naloloko
Nagpapanggap na tao
Pangakong matamis
Puro langaw at ipis
Sa bawat tabi at sulok
Pagkatao'y nabubulok
Nakalubog na sa kabaong
Lalo pang binabaon
Tao sa pangil ng buwaya
Kapangyarihan ng halik ni hudas
Ubos nang mga bayani
Mga duwag ang nalalabi
Kunwari'y matatapang
Ihahango sa kahirapan
Kukunin niya lahat sayo
Isip at kaluluwa
Pagkatao mo'y papasukin
Tapos dudurugin
Tao sa pangil ng buwaya
Kapangyarihan ng halik ni hudas
Magtiwala ka sa akin
Kaligtasan mo ako
Dito ka susunugin
Sa aking paraiso
Sumunod sa mga utos
Mga lason na pangako
Kanyang mga kamay
Mga batong pumapatay
Kaibigang nakaitim
Dadalhin ka sa dilim
Magpailalim sa kanya
Nakatali na kadena
Tao sa pangil ng buwaya
Kapangyarihan ng halik ni hudas
0 comments:
Post a Comment