Wednesday, October 5, 2011

ANG ALAMAT NI PEPENG TALSIK: MERON NGA BANG PEPENG TUMATALSIK?

Sa stage, sa classroom, sa corridor, kahit saan… ikaw, natalsikan ka na ba?

May kanya-kanya hugis yan, may parisukat, bilog, tatsulok at may parihaba.


Siyempre walang gustong sumalo sa mga tira-tira, pero kung galing sa crush mo ay malamang todo buka ang bibig mo masalo lang ang dapat masalo. Kanya-kanyang sipsip kung baga. sige tagay pa sa may gilid.


Ito nga lang ba ang tumatalsik o isang mahiwagang kamandag na nakakahawa?


Ito ba ang dahilan na kahit marami ang nakakakitang may mali ay walang lakas ng loob para lumaban? Na puro sunod na lamang at di kayang ipaglaban ang dapat para sa ikabubuti ng lahat? Basta sumasahod lang okay na, Basta may posisyon okay na, e tayo, okay ba?


Malakas nga ba talaga si Pepe? Naging successful nga ba siya sa kanyang mga plano? Ahmm… meron nga ba? Black or white?


Marami ng tumalsik at marami pang mapapatalsik ng hari ng mga talsik.

Minsan sa aking pagtuturo ay natanong ako ng isang estudyante.


Sir, sa tingin nyo po ba ay successful na kayo?


Ako? Successful? Hindi pa, ang sagot ko. Maaaring natalsikan na rin ako pero ni minsan ay hindi ako nagpahawa sa kamandag.


Sino nga ba sa atin ang nagsasabing naging matagumpay na siya sa kanyang buhay ngayon? Meron nga bang tao na nakukuntento sa kung anong meron siya?


Ano nga ba ang patunay na tayo ay naging successful sa ating buhay? Dahil ba sa laki ng bahay mo na merong sariling megamall sa loob? Sa dami ng bank accounts? Sa ganda ba ng kotse mong volkswagen? O sa ayos ng iyong propesyon at sa laki ng iyong sahod sa mukha?


Batayan rin ba kung ikaw ay nasa posisyon? Maraming nakaupo ngunit hindi naman kayang tumayo sa kanyang sariling mga paa. Yung tipong todo-kapit sa upuan at gahaman sa kapangyarihan ni batman the great dahilan para makalimutan na kung ano nga ba ang tama at mali.


Ang makita ang iyong anak na lumaki ng mabuting tao, makapagtapos ng pag-aaral at tulad mo ay magkaroon ng isang buong pamilya, doon mo lamang masasabi na ikaw ay naging matagumpay sa iyong buhay dahil ang pagiging matagumpay ay hindi lamang pansarili. Values more than anything else.


At sa iyong tagumpay, kahit ano pa ang tumalsik ay di ka na matitinag sa iyong posisyon dahil panis na si pepeng talsik.

0 comments:

Post a Comment